Posted April 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagsimula nang ibandera ang mga ipinagmamalaking
produkto sa probinsya ng Aklan sa
Aklan’s Piña & Fiber Festival.
Kaugnay nito, pormal nang binuksan ang exhibit sa
Trade Hall ng Provincial Capitol Grounds na isa sa mga naka-linyang aktibidad
para sa selebrasyon ng 58th founding anniversary ng probinsya.
Ayon sa Aklan Provincial Government, ipapakita rin dito ang public-private partnership para ipakilala ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at mas mapalakas ang hatak sa iba pang negosyo.
Ayon sa Aklan Provincial Government, ipapakita rin dito ang public-private partnership para ipakilala ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at mas mapalakas ang hatak sa iba pang negosyo.
Samantala, magsisimula ang nasabing aktibidad mula
Abril 22 hanggang 27 kung saan nasa mahigit 50 mga exhibitors ang nabigyan ng
oportunidad na ibenta ang kanilang mga natatangi at world-class na produkto.
Kabilang sa mga edi-display na produkto ay ang mga
decorative crafts, gifts, fashion accessories, confectionary products,
agri-aqua products, bakery, high fashion apparels at furnishings.
Nagsanib pwersa naman ang provincial government of
Aklan, Department of Trade and Industry (DTI) Aklan, PhilFIDA, PhilExport-Aklan
Chapter, Hugod Aklanon Producers Association, Inc. at Aklan Piña and Indigenous Fibers
Manufacturers and Traders Association, Inc. para maisakatuparan ang aktibidad
na ngayon ay nasa 15th year nang ginagawa.
No comments:
Post a Comment