Posted April 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pumalo ng mahigit sa 45 libo ang naitalang tourist
arrival ng Caticlan Jetty Port sa Boracay nitong nakaraang Holy Week.
Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, simula noong Abril-14 hanggang Abril-20 ay naitala nila
ang 45, 767 tourist arrival na bumisita sa isla ng Boracay nitong Semana Santa.
Aniya, mas mataas ngayon ang kanilang naitalang arrival
kumpara noong nakalipas na taon na umabot lamang ng 39, 120.
Karamihan naman sa mga nagbakasyon sa Boracay nitong Holy
Week ay ang mga local tourist na piniling dito sulitin ang kanilang mahabang bakasyon
sa isla.
Nauna ng sinabi ng Department of Tourism (DOT) na target
nilang makapagtala ng 1.5 million tourist ngayong taong 2014.
Sa kabilang banda, wala naman naging problema ang
nasabing pantalan sa pagbuhos ng mga turista noong nakaraang linggo dahil sa
kanilang pagiging handa kabilang na ang pagpapatupad ng seguridad.
Samantala, patuloy parin ngayon ang buhos ng mga turista
sa isla ng Boracay, na pinangunguhan ng Korean at Taiwanese National maging ang
mga Pinoy para sa kanilang summer vacation.
No comments:
Post a Comment