Posted
April 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nabulabog ang mga naglalamay kagabi sa Barangay Balabag dahil sa isang
komosyon.
May isang lalaki kasing nasa impluwensya ng alak ang umano’y
pinagtulungang bugbugin doon.
Sa presento na ng Boracay PNP nagsumbong ang biktimang si Glen
Familara, 29 anyos ng Odiongan, Romblon.
At kahit sugatan ang kanyang bibig, ikininuwento nito na sinuntok siya sa
hindi nalamang dahilan ng hindi nakilalang lalaki habang nag-iinuman ito doon
sa lamay.
Kaagad namang rumespondi ang mga pulis sa lugar, subali’t nakatakas na
ang ibang bumugbog sa biktima.
No comments:
Post a Comment