YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 02, 2015

Bakasyunistang Australiano sa Boracay, hinoldap; mga gadget at 20 mil pesos na pera, tinangay

Posted January 31, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nagpablotter sa presento ng Boracay PNP ang isang Australianong bakasyunista.

Naholdap umano kasi ito kaninang madaling araw habang papauwi sa tinutuluyang resort sa Barangay Balabag.

Sumbong nito sa mga pulis, naglalakad siya sa kalsada nang may tumawag sa kanyang apat na kalalakihan.

Pumuwesto umano sa harap niya ang dalawa at dalawa din ang sa likod sabay deklara ng holdap.

Ayon pa sa bakasyunista, napilitan siyang ibigay sa mga suspek ang kanyang Laptop Asus NS6, isang Samsung Grand 2 Gold, Camera Olympus TG-3, at wallet na naglalaman ng 20 mil pesos.

Kaagad namang tumakas ang mga hindi nakilalang suspek.

Samantala, dismayado naman ang mga kapulisan sa kanilang imbistigasyon dahil kawalan ng CCTV sa lugar.

No comments:

Post a Comment