Posted February 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na ang inaabang opening program para sa Western
Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet sa Calangcang Sport Complex
sa bayan ng Makato Aklan.
Nabatid na makalipas ang limang taon ay muling napili ang
probinsya sa pangalawang pagkakataon na mag-host ng naturang palaro na
kinabibilangan ng mga atleta mula sa elementarya at sekondarya sa anim na
probinsya sa Western Visayas.
Isa naman sa mga inaasahang dadalo rito ay si Department
of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Department of Education
(DepEd) regional director Gemma Ledesma.
Bilang host province nakatakda ring dumalo ang Aklan Provincial
Government sa pangunguna ni Congressman Teodorico Haresco, Jr., Governor
Florencio Miraflores at Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo.
Kasama rin dito si Aklan Schools Division Superintendent
Dr. Jesse Gomez, DepEd executives at mga local officials ng mga kalahok na
probinsya.
Samantala kabilang sa mga bayan sa Aklan na pagdadausan
ng ibat-ibang palaro ay ang bayan ng Banga, Kalibo, Numancia, Makato, Lezo at
Malinao.
Ang Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA)
Meet ay magsisimula bukas at magtatapos naman sa Pebrero 13, 2015.
No comments:
Post a Comment