Posted
February 5, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Blangko sa report kaugnay sa pagkalunod ng isang Korean tourist ang PCG
Boracay.
Ayon PCG o Philippine Coastguard Boracay Substation nitong hapon, wala
silang natanggap na impormasyon kaugnay sa nasabing insidente nitong Lunes ng
umaga.
Subali’t base sa report ng MAP o Municipal Auxiliary Police Boracay,
nailigtas ng tatlong paddle board instructor ang Korean tourist matapos
tangayin ng malakas na alon sa layong 300 metro mula sa dalampasigan ng station
2.
Base pa sa report ng MAP, hindi gaanong marunong lumangoy at napalayo
sa kanyang floater ang 26 anyos na turista na napag-alamang buntis pa, dahilan
ng kanyang pagkalunod.
Samantala, kaagad namang binigyan ng pangunang lunas ang biktima.
No comments:
Post a Comment