Posted February 4, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magkakaroon ngayon ng Fisherfolk Children
Educational Grant (FCEG) ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kaya naman, mabibigyan din ngayon ng pagkakataon
ang anak ng mga mangingisda sa Aklan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Ayon kasi kay BFAR-Aklan Information Officer Victoria
Magalit, sa pamamagitan ng programa, ang mga anak ng mangingisda na
nakapagtapos ng hayskul at magtatapos pa lamang na may potensyal na makapasok
sa “top 10” ng klase ay may pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo.
Anya, ilan sa mga ibinibigay ng scholarship ang
buong scholarship grant sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in
Fisheries, libreng matrikula, buwanang “stipend” na P2, 500.00, semestral book
allowance na P2, 000.00, Research/Thesis/Special Problem Support na P3,000.00
at graduation support na P500.00.
Samantala, sa general criteria makakapag-apply ng
scholarship ang estudyanteng magtatapos ngayong school year 2014-2015, kung
saan dapat anak ng isang rehistradong mangingisda, hindi lalagpas sa 20 ang
edad at dapat residente sa bayan ng apat na taon.
Maaari namang kumuha ng pormas ang mga intresado sa
opisina ng BFAR-Aklan, kung saan magtatapos ito sa February 27, 2015 habang
nakatakda naman ang pagsusulit sa Marso na gaganapin sa Iloilo o Bacolod City.
No comments:
Post a Comment