Posted February 4, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni BRTF o Boracay Redevelopment Task
Force Mabel Bacani kaugnay sa road easement.
Nitong nakaraang linggo, nakipagdayalogo ang LGU
Malay at BRTF sa mga establisemyentong apektado ng road easement sa Boracay
kung saan hinimok ni mismong Boracay Island Chief Operations Officer Glenn
Sacapaño ang lahat na makipagtulungan.
Samantala, pinasinungalingan naman ni Bacani na
hindi late o huli ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyon ni Malay Mayor
John Yap kaugnay sa usapin.
Sa halip, patuloy umano nitong tinututukan ang
lahat upang maging legal ang mga dukumento sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Samantala, nabatid na may mga kusa na ring
nag-demolish ng kanilang istrakturang tatamaan ng road easement sa isla, na
kinumpirma naman ng ilang opisyal sa naganap na dayalogo.
No comments:
Post a Comment