Posted
February 5, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sisilipin umano ni Congressman ‘Ted’Haresco ang mga problema sa
Boracay.
Ito ang naging sagot ng congressman sa tanong kahapon sa isang ambush
interview tungkol sa usapin sa road easement sa isla at nalalapit na APEC
Summit.
Aminado rin kasi si Haresco na isinumbat sa kanya ng mga kapwa
kongresista ang tungkol sa matagal nang problema sa baha sa isla.
Dahil dito, pupunta umano siya sa Boracay ngayong araw dala ang
paalalang dapat “we have to prosper in harmony with nature”.
Samantala, magugunita namang nanawagan ang LGU Malay sa mga
establisemyentong apektado ng road easement na makipagtulungan para sa
ikabubuti ng Boracay.
No comments:
Post a Comment