Posted January 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masayang ibinalita ng Boracay Beach Management Program
(BBMP) ang patuloy na paglago coral sa kanilang mga itinanim na artificial reef sa
karagatan ng Boracay.
Ayon kay Al Lumagod, Project Officer at Marine Biologist
ng Boracay Beach Management Program (BBMP), apat na taon na umano ang kanilang programa
kung saan ang una nilang proyekto ay Coastal Resource Management.
Dito ay nag-deploy umano sila ng artificial reef sa
karagatan ng Boracay na kung saan layunin umano nila na maibalak ang mga born organism
na nawala at para maging bahay ng mga corals.
Samantala, apat na side umano sa dagat Boracay sila
nag-deploy ng reef-dome kung saan dalawa dito sa coral garden, isa regency at
isa rin sa Angol.
Isa naman sa tinitingnang rason ni Lumagod sa paglago ng coral sa reef-dome ay dahil sa marami itong nakukuhang nutrient lalo na ang malapit sa
shoreline na may lalim lamang ng 15 metro kumpara sa ibang reef-dome na may
lalim na 20 metro.
Nabatid na ang BBMP ay pangangalaga ng Boracay Foundation
Inc. (BFI) katuwang ang Local Government Unit ng Malay at Petron Foundation para
sa muling pagpapatubo ng coral reef sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment