Posted February
5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ngayon ang ginagawang embistigasyon ng CAAP
Central Office tungkol sa nangyaring security breach sa Kalibo International
Airport nitong nakaraang linggo.
Ito ang sinabi ni Civil Aviation Authority of the
Philippines (CAAP) Kalibo manager Cynthia Aspera matapos nitong basagin ang
kanyang katahimkan sa nangyaring insidente sa nasabing paliparan.
Nabatid na ito ay may kaugnay sa nangyaring paglusot ng
isang babae na may problema sa pag-iisip mula sa Patnongon, Antique sa mga
nagbabantay sa nasabing paliparan kung saan naka biyahe ito papuntang Incheon,
South Korea na walang ticket at passport.
Dahil dito mas magiging maingat at mahigpit na umano sila
sa kanilang gagawing seguridad sa mga pasahero ng domestic at international
flights.
Igiinit naman ng CAAP officials na nabigo ang mga
security personnel na e-check ang naturang babae habang nakasunod ito sa grupo
ng mga pasahero.
Nabatid na agad pinabalik ng Korean airport authorities
ang nasabing babae sa bansa matapos na madiskubrehan na wala itong official
travel documents.
No comments:
Post a Comment