YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 02, 2015

16-anyos na binatilyong nawala habang naliligo sa Jawili, Tangalan, Aklan pinaghahanap pa rin

Posted February 2, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nawawala pa rin hanggang ngayon ang 16-anyos na binatilyo matapos maligo sa baybayin ng Jawili Tangalan Aklan kahapon.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Tangalan Head Gary Fuentes.

Naligo ang nasabing binatilyo na kinilalang si “Benjie” bandang tanghali nang maipit sa rumaragasang alon dulot ng malakas na hangin sa nasabing lugar.

Subalit, napaulat na umano itong nawawala pagdating ng hapon.

Anya, dahil sa may kalakasan pa rin ang alon at madilim na sa lugar, pansamantala munang itinigil ang search operation at ipinagpapatuloy naman ngayong araw.

Samantala, napag-alaman na nag-eskursyon sa lugar ang mga kasamahan ni “Benjie” na “Black Beauty Boys” na nanalo sa 2015 Ati-Atihan Festival sa probinsya, kung saan isa itong drummer ng grupo.

No comments:

Post a Comment