Posted February 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakalutang pa rin ngayon sa Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang Zoning Ordinance mula sa bayan ng Malay.
Sa ginanap na 5th SP Regular Session nitong
Miyerkules, muling tinalakay ng mataas na konseho sa probinsya ang ordinansa,
kung saan nabatid sa nasabing pagpupulong na kinakailangan umano ang masusi
ditong pag-aaral.
Kaugnay nito, napagkasunduan ng konseho na muli
itong pag-uusapan at ini-refer sa Provincial Planning Development Office
(PPDO).
Samantala, una namang inoprabahan sa Sangguniang Bayan (SB)
Malay ang nasabing ordinansa upang maisaayos ang pagpapatayo ng mga gusali sa
Malay at Boracay.
Ang zoning ordinance ay isang nakasulat na
regulasyon o batas na tumutukoy sa kung paano ang tiyak na paggamit ng isang
ari-arian sa isang geographic zone.
Tinutukoy din ng nasabing ordinansa kung maaaring
gamitin ang isang lupa para sa residential or commercial purposes.
No comments:
Post a Comment