Posted February 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tila dismayado ang ilang SB Officials ng Malay sa
ginawang preperasyon ng mga concern agencies sa pagdaong ng MS Celebrity
Century sa Boracay nitong Martes.
Ito’y matapos sabihin nina SB Member Leal Gelito at SB
Jupiter Gallenero sa privilege speech sa SB Session nitong Martes na may hindi
sila nagustuhan sa nangyaring operasyon sa Cagban Jetty Port ng dumaong ang
nasabing barko.
Nabatid kasi na nagkaroon ng mahabang pila ng mga
pasahero sa nasabing pantalan dahil isinara ang ilang daungan ng bangka para
bigyang daan ang mga pasaherong sakay ng cruiseship.
Dahil dito ipapatawag nila sa Session ngayong Martes ang
Jetty Port Administration kasama ang Philippine Coastguard, CBTMPC at ilan pang
concern agencies na siyang may hawak ng operasyon sa nasabing pantalan nang
dumating ang MS Celebrity Century.
Samantala, ayon naman kay Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang, handa siyang dumalo sa nasabing Session para ipaliwanag kung ano man
ang kanilang naging pagkakamali.
No comments:
Post a Comment