Posted February 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
May bukol sa noo na nagreklamo sa Boracay PNP
Station ang isang sekyu matapos umanong suntukin ng kapwa sekyu sa Balabag
Boracay kagabi.
Ayon sa biktimang si Rafael Tamboong, Jr., 40
anyos, nasa duty ito nang bigla na lamang di umanong nilapitan ng kapwa sekyu
na si Rached Barredo, at sinuntok sa noo sa hindi nalamang dahilan.
Dahil dito, bumuwelta din umano ng suntok ang
biktima na naging dahilan upang mag-rambol silang dalawa sa lugar’ kung kaya’t
inawat ito ng isa pang sekyu doon.
Samantala, ipinagkatiwala naman ngayon ng BTAC ang
nasabing kaso sa Barangay Justice System.
No comments:
Post a Comment