YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 04, 2015

(Update) Binatilyong nawala habang naliligo sa Jawili, Tangalan, Aklan, natagpuan na

Posted February 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Bangkay na nang matagpuan ang binatilyong nawala habang naliligo sa Jawili, Tangalan, Aklan nitong kamakalawa.

Ito ang kinumpirma ni Barangay Captain James Tumbagahan ng Jawili Tangalan Aklan matapos ang isinagawang search operation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) kahapon ng hapon.

Na-e-turnover na rin umano ang bangkay ng nasabing binatilyo sa pamilya nito.

Magugunita na nawala ang 16-anyos na si “Benjie” matapos na maligo sa baybayin ng Jawili Tangalan Aklan kasama ang mga ka-grupo na Black Beauty Boys” na nanalo sa 2015 Ati-Atihan Festival sa probinsya.

Bandang tanghali naman nang tangayin ito ng rumaragasang alon dulot ng malakas na hangin.

No comments:

Post a Comment