Posted February 6, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pinagmulta ng 24 mil pesos ang barge na natikitan
dahil sa paglabag sa 1 Entry-1 Exit Policy ng Aklan Provincial Government.
Ito ang kinumpirma ng PCG o Philippine Coastguard
matapos nilang aksyonan ang paghahakot umano sana ng heavy equipments ng barge
na Kristine Marie sa Puka Beach kahapon ng umaga.
Ayon pa sa PCG, kumpleto naman ng papeles ang nasabing
barge, subali’t pinagmulta parin sila dahil sa nasabing paglabag.
Maliban sa penalidad ng barge, nilinaw din ng PCG
na iba naman ang penalidad ng tug boat na siyang humihila sa nasabing barge.
Nabatid na ikinadismaya ng mga residente at turista
sa lugar kahapon ang presensya ng barge kung kaya’t kaagad itong inimbistigahan
ng Philippine Coastguard.
No comments:
Post a Comment