YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 03, 2015

Libreng sakay ng BLTMPC para sa mga estudyante, humarurot ngayong araw

Posted February 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tatlong multicab para sa tatlong barangay sa mga paaralan sa Boracay ang ilalaan ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC).

Katunayan, tumungo kahapon sa himpilang ito si BLTMPC Operation Manager Enrique Gelito, upang ipaalam na magisimula na ito ngayong araw.

Layunin anya dito ng BLTMPC na makatulong sa mga mag-aaral na nahihirapang sumakay  sa mga bumibiyaheng tricycle unit sa isla pauwi sa kanilang mga tahanan.

Nabatid kasi na halos abutin ng isang oras ang mga mag-aaral sa kakapara ng masasakyan pauwi dahil sa walang halos nagpapasakay sa kanila.

Kaugnay nito, nagpapasalamat naman ang mga magulang ng mga estudyante para sa nasabing programa.

Magugunita na una nang pinaboran sa Sangguniang Bayan (SB) Malay ang planong ito ng BLTMPC.

No comments:

Post a Comment