Posted February 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinag-uusapan na ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO)
ang ipinadalang sulat ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) hinggil sa road
set back sa isla ng Boracay.
Ayon sa AKELCO Boracay Substation Office naipasa na nila
ang sulat ng BRTF sa AKELCO management Office sa bayan ng Lezo, Aklan.
Nabatid na halos lahat ng poste ng AKELCO ay pasok sa road
set back ng BRTF na ngayon ay patuloy ng ipinapatupad sa isla ng Boracay.
Sa ngayon umano ay inaantay nalang nila ang tugon ng
main-office para sa relocation ng electrical post para sa road set back.
Samantala, ilang porsyento palang ngayon ang nagko-comply
na mga establisyemento sa road set back sa Boracay matapos itong ipatupad ng
BRTF ng LGU Malay.
No comments:
Post a Comment