Posted February 6, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Subali’t ‘hands off’na muna tungkol dito si Malay
Municipal Planning Officer Alma Belejerdo.
Tumanggi na rin muna kasi itong magbigay ng pahayag
sa kung ano ang pa ang dapat gawin ng mga establisemyentong apektado o tatamaan
ng nasabing ordinansa.
Magkaganon paman, may payo dito ang Barangay
Balabag na siyang sentro ng business activity sa isla, sa pamamagitan ni ‘Kap
Lilibeth’ Sacapaño.
Ayon kay ‘Kap Lilibeth’, mas makabubuting huwag
maniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa road easement, kungdi tumungo sa BRTF o
Boracay Redevelopment task Force para sa legal na hakbang.
Samantala, sinabi ni ‘Kap Lilibeth’ na paunti-unti
na ring nagko-comply sa road easement ang mga apektadong establisemyento sa
Barangay Balabag dahil sa naunawaan na ng mga ito ang kahulugan ng ordinansa.
Nabatid na ipinag-uutos ng Malay Municipal
Ordinance No. 2000-131na dapat magkaroon ng anim na metrong road set back mula
sa sentro o gitna ng kalsada ang anumang temporary o permanent structures
malapit dito.
No comments:
Post a Comment