Posted February 7, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang lumabas sa imbistigasyon ng Boracay PNP kaugnay
sa isang Australianong bakasyunista na hinoldap umano nitong nakaraang Sabado.
Base sa follow up investigation ng kapulisan,
nabatid na may ilaw naman sa lugar na sinasabing dinaanan ng bakasyunista kung
saan umano ito hinoldap.
Maliban dito, naberipika sa pamamagitan ng CCTV ng
isang establisemyento doon na hindi siya napadaan sa lugar taliwas sa mga oras
na kanyang ideneklara sa kanyang pagpa-blotter sa presento ng pulis.
Magugunitang nagsumbong sa Boracay PNP ang
Australianong turista kinahapunan na ng January 31, matapos umano itong maholdap
ng madaling araw habang papauwi sa tinutuluyang resort sa Barangay Balabag.
Ikinuwento niya sa mga pulis na may tumawag sa
kanyang apat na kalalakihan habang naglalakad, kinuha umano ang kanyang Laptop
Asus NS6, isang Samsung Grand 2 Gold, Camera Olympus TG-3, at wallet na
naglalaman ng 20 mil pesos at kaagad tumakas.
Samantala, nabatid pa sa imbistigasyon ng pulisya
na para lamang sa insurance purposes ang pagpapa-blotter ng nasabing turista.
No comments:
Post a Comment