Posted February 2, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ininspeksyon na ang Sewerage at Flood Control
Project ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa
Boracay.
Ayon kay Boracay Island Water Company o BIWC Chief
Operating Officer Ben Mañosca, gtinanap ang inspeksyon pagkatapos ng
selebrasyon ng ika-limang taong anibersayo ng BIWC nitong nakaraang Miyerkules
kung saan naging bisita si Lapid.
Ayon pa kay Mañosca, sinilip at tinututukan din
ngayon ni Lapid ang commissioning o pagkokondisyon drainage pump na
naka-assemble na nitong nakaraang taon.
Pinaghahandaan na rin umano kasi ngayon ng TIEZA
ang nalalapit na tag-ulan.
Samantala, kinumpirma din ni Mañosca na may iba
pang mga proyekto ang inihahanda ngayon ng TIEZA sa Boracay.
Napag-alamang kasama din ni Mark Lapid sa aktibidad
ng BIWC ang mismong ama nitong si Senador Lito Lapid.
No comments:
Post a Comment