YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 04, 2015

Finnish national, muntikan nang mabiktima ng bading sa Boracay

Posted February 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dismayadong nagpa-blotter sa Boracay PNP Station ang turistang Finnish national matapos na muntikan nang mabiktima ng isang bading sa Boracay.

Sumbong ng turistang si Anders Samuel Carlstedt, 27 anyos, naglalakad ito sa beach front ng Station 2 Balabag Boracay kaninang madaling araw kasama ang kaibigan nang sinusundan umano at kinukulit ng isang hindi nakilalang bading.

Subalit, hindi umano ito pinapansin ng turista at sa halip ay nagpatuloy sa paglalakad.

Dahil dito, nagalit umano ang bading at biglang hinablot ang kanyang salamin sa mata at  binali sa pamamagitan ng kantang tuhod.

Kaya naman nagalit umano ang turista at nasipa nya ang nasabing bading na kaagad namang tumakbo.

Samantala, habang tumatakbo ay nagsisigaw pa umano ang bading at pinagmumura ang nasabing turista.

Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso.

No comments:

Post a Comment