Posted February 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Inereklamo ng mga residente sa Barangay Yapak ang
isang barge na magkakarga ng heavy equipments sa Puka beach kahapon ng umaga.
Maliban sa mga residente, ipinagtaka rin ng mga
turista sa lugar ang presensya ng nasabing barge.
Kaagad nakarating sa atensyon ng PCG o Philippine
Coastguard Boracay Substation ang scenario kung kaya’t nauwi sa penalidad ang
pagkakarga nito ng heavy equipments.
Nabatid sa report ng PCG Boracay na lumabag sa 1
Entry-1 Exit Policy o Provincial Ordinance No.05-032 ang barge na Kristine
Marie na hinihila naman ng tug boat Betheva-II.
May anim na crew ang tug boat at 3 crew naman ang
barge.
Ayon pa sa PCG Boracay, maaaring suma-side line ang
nasabing barge sa pamamagitan ng pagkakarga ng kung ano, at patago ang
operasyon.
Subali’t kaagad silang pinahinto ng PCG kahapon at
ipinagkatiwala sa jetty port administration dahil sa kanilang paglabag sa
provincial ordinance.
No comments:
Post a Comment