Posted February 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinasalamatan ni Aklan Governor Joeben Miraflores ang
Petrowind Energy, Inc., sa kaniyang State of The Province Address nitong
Miyerkules sa Provincial Capitol.
Ayon sa Governador sakaling matapos ng maipatayo ang P4-billion
wind energy project sa Barangay Pawa, sa bayan ng Nabas, Aklan hindi lamang umano
ito makakapagbigay ng power needs kundi mapapalakas din nito ang tourism
industry ng probinsya.
Sinabi din nito na ang Petrowind project ay isang
pinakamalaking investment sa ngayon sa Aklan at nagpapatunay lamang umano ito
na masuwerte ang lalawigan.
Aniya, hindi lang ang magagandang tanawin ang makikita sa
mismong project site kung hindi matatanaw mula dito ang isla ng Boracay at ang
Romblon Carabao Island.
Samantala, mahigit sa 190 mga empleyado ng national
government offices at local government units, media practitioners at academicians
ang dumalo sa nasabing SOPA.
No comments:
Post a Comment