Posted February 4, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Subalit, ilan sa mga negosyo ngayon sa isla ay
nahaharap sa mga problema tulad ng ipinapatupad na road easement o set back ng
LGU Malay.
Kaugnay nito, pinayuhan ng Department of Tourism
(DOT) ang mga may-ari ng establisyemento na sana’y mag-comply sa nasabing
ordinansa, kung saan makakabuti din umano sa isla at sa kanilang negosyo
pagdating ng panahon.
Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Team Leader
Kristoffer Leo Velete, ang ikakaunlad at ikagaganda ng Boracay ay ikakaganda
din ng bawat negosyo dito.
Samantala, nagpahayag naman ang DOT ng kanilang
suporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan ng Malay lalo na ang para sa
Boracay.
Magugunita na ang pagpapatupad ng Municipal
Ordinance No. 2000-131 ng Malay ay nag-uutos ng anim na metrong road set back
mula sa sentro o gitna ng kalsada sa anumang temporary o permanent structures.
No comments:
Post a Comment