Posted February 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad na isinugod sa ospital ang babaeng Taiwanese
national na nahulihan ng illegal na droga sa Boracay.
Ito’y matapos umanong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalas ng pulso gamit ang isang blade o Gillette.
Ito’y matapos umanong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalas ng pulso gamit ang isang blade o Gillette.
Ayon sa pamunuan ng Aklan Rehabilitation Center, sinasabing
stress di umano ang turista na si Chia Huei Ma alyas “Chia-Chia” 29-anyos dahil
sa hindi ito dinadalaw ng kanyang mga pamilya sa kulungan.
Si “Chia-Chia” ay inaresto sa isla ng Boracay
nitong nakaraang buwan ng Marso kasama ang isa pang tour guide na si Chi Ping
Chou alyas “Sophia” na isa ding Taiwanese national.
Samantala, matapos gamutin sa Provincial Hospital
ay kaagad nang ibinalik ang Taiwanese sa kulungan.
No comments:
Post a Comment