Posted February 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na kinumpirma ng Department of Labor
and Employment (DOLE) Aklan ang balak di umanong pagtaas ng sahod ng mga
empleyado dito.
Ayon kay DOLE Aklan Officer-in-Charge Arlyn
Siaotong, napag-usapan ito sa isang aktibidad ng Industry Tripartite Council nitong
nakaraang buwan ng Enero.
Anya, bagamat hindi pa napag-uusapan kung kailan ipapatupad,
sinabi nitong nasa plano na ito ng National Wages and Productivity Commission
(NWPC).
Samantala, inaasahan namang marami pang mga
programa at plano ang DOLE Aklan upang matulungan ang mga empleyado sa
probinsya.
Kaugnay nito ikinatuwa naman ng mga empleyado lalo
na sa isla ng Boracay ang nasabing balita.
No comments:
Post a Comment