Posted February 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlong buwan bago isagawa ang Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) Summit sa Boracay ngunit hindi parin natatapos ang
construction ng phase 1 ng Boracay hospital.
Ayon kay Malay SB Secretary Concordia Alcantara, base
umano sa naging tugon ng Department of Health Region 6 sa kanilang ipinasang
resolusyon sa pag fast track ng naturang hospital, ihahabol umano ng DOH na
matapos ang phase 1 nito bago ang APEC Summit sa isla.
Ngunit nabatid na ilang buwan nang itinigil ang
construction nito matapos na magkaroon ng problema sa contractor na may hawak
ng proyekto.
Sinabi din nito na isang malaking question mark sa kanila
kung kaylan muling ipagpatuloy ang construction at expansion project ng
hospital.
Matatandaan na hiniling ni Malay SB Member Rowen Aguirre
ang pag fast tract ng naturang hospital dahil isa umano ito sa kakailanganin sa
idaraos na APEC Summit sa Boracay ngayong Mayo sa oras na magkaroon ng
emergency sa naturang event.
No comments:
Post a Comment