Posted December 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nag-reklamo din ngayon sa himpilan ng BTAC ang
isang sekyu matapos na ireklamo ng isang lalaki ng pambubogbog kahapon ng
madaling araw sa isang bar sa Boracay.
Ayon sa blotter report ng BTAC, inereklamo kasi
umano itong si Mark Anthony Gabino, 30 anyos at sekyu ng isang bar sa Balabag
na pinangyarihan ng gulo ni JC Rey Badiang, 25 anyos.
Sumbong ni “JC Rey” habang nasa loob umano ito ng
nasabing bar ay sapilitan syang pinapalabas ng sekyu at kinompronta tungkol sa
kanyang pagkilos.
Dahil dito, nagkaroon umano sila ng mainit na
pagtatalo dahilan upang bigla syang bugbugin ng nasabing sekyu.
Samantala, ayon naman sa reklamo ng sekyu habang
naka-duty umano ito ay nakita nyang lasing at nanggugulo na sa nasabing bar si
“JC Rey” kaya nya umano ito pinapalabas.
Aminado naman ang sekyu na sapilitan nya umano
itong pinapalabas nang sa gayon ay hindi na magdulot pa ng gulo sa loob ng
nasabing bar.
Subalit bigla umanong kinuha nitong si “JC Rey” ang
buckle ng kanyang sinturon at naghamon ng away sa nasabing sekyu kaya umano
sila nagsuntukan.
Samantala, ine-refer naman ngayon ng BTAC ang kaso
sa Brgy. Justice System para doon na magharap ang dalawa.
No comments:
Post a Comment