Posted December 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpalabas ng kalatas ang National Grid Corporation
(NGCP) para sa kanilang paghahanda sa papasok na bagyong Ruby sa Western at
Eastern Visayas.
Nakasaad dito na pinaghahandaan na nila ngayon ang kanilang
mga communication equipments at hardware materials para sa posibleng pananalasa
ng nasabing bagyo.
Kasama rin sa tinitutukan ng NGCP ay ang standby
generators sets, sasakyan at ilang pang suplay na gagamitin para sa agarang
pagsasaayos ng mga pasilidad na maaaring masira sa pagpasok ng kalamidad.
Samantala, nakahanda na rin ang kanilang mga line
crew at helicopter para sa mga strategic areas na na matatamaan ng naturang
bagyo.
Sa ngayon nakatutok na ang NGCP sa lugar na
tutumbukin nito kung saan ang grid operator ay patuloy namang makikipag-ugnayan
sa kanilang mga kustumer para sa balance system load at voltage kasama na ang
mga LGU, Air Force of the Philippines at Philippine National Police sa mga
areas na inaasahang maapektuhan ng weather disturbance.
No comments:
Post a Comment