Posted December 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang hindi paglabas ng moratorium ng LGU Malay ang siyang
tinitingnang dahilan ngayon ng Transportation Office sa pagdami ng mga
motorsiklo sa Boracay.
Ayon kay Malay Transportation Regulation Senior Officer
Cesar Oczon Jr., umabot na sa 2, 681 ang kanilang naitalang motorsiko sa
Boracay kung saan hindi pa umano kabilang dito ang mga walang permit na
nag-ooperate sa isla.
Aniya, maging sila ay nababahala na rin sa pagtaas ng
bilang nito dahil sa sobrang sikip na ang isla pagdating sa mga sasakyan.
Bagamat nag-aantay lang sila ng utos mula sa mga
opisyales ng Malay nagpapatuloy parin ngayon ang kanilang pagtanggap ng mga
kumukuha ng permit para maitawid ang kanilang motorsiklo sa Boracay.
Sinabi pa ni Oczon na bago dalhin sa isla ang nasabing
sasakyan ay marami pa umanong mga kailangang proseso ang dapat sundin ng operator
kung kayat hindi din sila basta-bastang nagbibigay permit para dito.
Samantala, mahigit apat napung mga motorcycle unit ang
itinawid ng transportation office mula sa Boracay kamakailan matapos itong
makumpiska dahil sa pagkakasangkot sa ibat-ibang violation.
No comments:
Post a Comment