Posted December 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ilang araw na lang ay Pasko na, at sa kabila nito
ay mayroong pinangangambahang bagyong Ruby sa bansa.
Subalit marami pa rin sa isla ng Boracay ang abala sa paghahanda sa araw na ito, kung saan kitang-kita ang mga nag-gagandahang dekorasyon sa bahay man o establisyemento.
Subalit marami pa rin sa isla ng Boracay ang abala sa paghahanda sa araw na ito, kung saan kitang-kita ang mga nag-gagandahang dekorasyon sa bahay man o establisyemento.
Kabilang na rin sa mga naghahanda na ng mga
programa ay ang mga pinuno ng tatlong barangay sa isla na kinabibilangan ng
Balabag, Manoc-Manoc at Yapak.
Gayunpaman, kasabay ng pagiging abala ng ilan sa
pag-iisip at maagang pamimili ng kanilang mga pan-regalo ay abala din ang mga
ito sa paghahanda at pagpaplano sa pananalasa ng bagyong Ruby sa isla.
Samantala, kampante naman ang mga residente sa isla
ng Boracay sa mga ginagawang hakbang at kahandaan ng Municipal Disaster Risk
Reduction and Management Council (MDRRMC) at lokal na pamahalaan sa nasabing
bagyo.
Dagdag pa rito ay todo na rin ang paghahanda ng ilang
mga pribadong sektor at iba’t-ibang establisyemento sa isla sa inaasahang
pananalasa ng Bagyong Ruby.
No comments:
Post a Comment