YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 04, 2014

Buntis na umawat sa mag-live in partner sa Boracay, nagreklamo sa BTAC matapos umanong itulak

Posted December 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa himpilan ng BTAC ang 21 anyos na buntis matapos umanong itulak habang ito ay umaawat ng away kanina ng madaling araw sa Manoc-Manoc Boracay.

Sumbong ng biktimang si “Michelle Joy” ng City Proper Iloilo City, inawat nito ang away ng isang mag-live partner sa lugar kaninang alas singko ng madaling araw nang bigla na lamang di umano syang itinulak ng suspek na si “KC” residente ng nasabing lugar.

Dahil sa malakas na pagkakatulak di umano sa kanya ay natumba ito sa sahig dahilan upang magkaroon sya ng galos sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay sumasama na rin umano ang kanyang pakiramdam dulot ng kanyang pagkatumba lalo pa’t nagdadalang tao siya.

Samantala, ipinabatid naman ngayon ng BTAC ang nasabing pangyayari sa Brgy. Justice System ng Manoc-Manoc para ayusin ang kaso.

No comments:

Post a Comment