Posted December 3, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang naging buod ng pagpupulong ng Boracay Action
Group bilang paghahanda sa inaasahang pagpasok ng Bagyong Ruby o Typhoon
‘Hagupit’sa PAR o Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Sa kakatapos na pagpupulong sa Balabag Action Center,
napag-usapan ang ilang mga istratihiyang ginawa ng BAG noong humagupit ang
Bagyong Yolanda sa bansa.
Ilan na nga rito ang mga dapat gawin sakaling kailangan
ang evacuation, at ang mga evacuation areas sa Boracay.
Maliban dito, napag-usapan din ang magiging trabaho ng
bawat miyembro ng BAG, at ang magiging sistema ng information dissemination sa
publiko.
Maliban sa pagpupulong kanina, isa pang pagpupulong bukas
ang gagawin ng mga taga MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction Council
bukas ng umaga para sa ibayong paghahanda ng LGU Malay.
Samantala, base sa report ng PAG-ASA, inaasahang kikilos
palapit sa Eastern Visayas ang bagyo sa araw ng Biyernes.
No comments:
Post a Comment