Posted
December 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naghahanda na ang Local Government Unit (LGU) Malay para
sa Higante Contest ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2015.
Katunayan isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nais
pasukin ni Malay Municipal Mayor John Yap sa pamamagitan ng Provincial
Government ng Aklan kaugnay sa financial assistance para sa nasabing Contest.
Sa SB Session nitong Martes tinalakay ang nasabing MOA sa
incoming and referral na ini-refer naman ni Vice Mayor Wilbec Gelito sa
Committee on Laws para sa masusing pag-aaral.
Nabatid na magbibigay rin ng tulong financial ang
Provincial Government tungkol dito ngunit hindi pa ito inilalabas sa ngayon.
Ang Higante Contest ay isa sa mga highlight ng Kalibo
Ati-Atihan Festival sa darating na Enero 9-18, 2015 na kinatatampukan ng lahat
ng bayan sa Aklan.
No comments:
Post a Comment