Posted December 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Taong-taong nakikiisa ang Provincial Health Office (PHO)
Aklan sa pagdiriwang ng Worlds Aids Day tuwing Disyembre.
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio
Cuachon Jr., ito na ang kanilang pang 14 na taong pagdiriwang sa probinsya ng
World Aids Day.
Ibat-ibang aktibidad umano ang kanilang ilulunsad bilang
awareness campaign sa patuloy na paglaganap ng Acquired Immune Deficiency Syndrome
(AIDS).
Sinabi nito na ang tema ngayong taon ay “Getting To Zero” kung saan nais nilang ipaabot o ipaalam sa komunidad ang paglaganap
ng nasabing karamdaman.
Sa kabilang banda lalong nangangamba ngayon ang PHO sa
mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa Western Visayas.
Nabatid na may 183 bagong kaso ang naitala mula nitong
Enero hanggang Setyembre ngayong taon kung saan nitong Setyembre ay 14 ang
bagong kasong naitala.
Napag-alaman na
umabot na rin ngayon sa 700 kaso ng HIV/AIDS ang naitala sa Aklan, Antique,
Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental simula noong 1984.
No comments:
Post a Comment