Posted December 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpalabas ngayon ng advisory ang Department of Tourism
(DOT) Region 6 hinggil sa papasok ng bagyong Ruby sa Eastern at Western
Visayas.
Nakasaad dito na ang lahat ng stranded na foreign at
domestic tourist na kailangan ng assistance kaugnay sa kansilasyon ng biyahe ng
mga sasakyang pangkaragatan ay kailangan lamang makipag-ugnayan sa kanilang
tanggapan.
Kaugnay nito, sinabi naman ni DOT Regional Director Helen
Catalbas sa mga hotel at resort owners sa Boracay na kung ang kanilang mga
guest ay nakapag-check out sa oras na manalasa ang bagyong Ruby ay bigyan muna
nila ito ng kunsiderasyon na makapag-stay hanggang sa oras na mawala ang bagyo.
Pag-aalala ni Catalbas hindi rin ang mga ito makakatawid
sa mainland dahil na rin sa pagkansila ng biyahe ng sasakyan pandagat at pang-himpapawid.
Sa kabilang banda inabisuhan din ng nasabing ahensya na
ikansila muna ang lahat ng mga island hopping activities hanggang sa
makapag-bigay na ang Philippine Coast Guard ng signal kung kaylan ito muling
ibabalik.
No comments:
Post a Comment