YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 03, 2014

Ilang miyembro ng BLTMPC nagbanta ng petisyon laban sa E-Trike

Posted December 3, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Nagtipon sa Balabag Action Center ang humigit 100 operator at mga miyembro ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC para ipakita ang kanilang pagtanggi  sa E-Trike implementation ng LGU-Malay.

Para marinig ang hinaing ,nagsagawa ng pulong si Vice Mayor Wilbec Gelito kasama si Malay Admistrator Godefredo Sadiasa at ilang SB Member para maharap at masagot ang mga nagrereklamong tricycle operators.

Ilan sa mga nais nilang iparating ay ang hindi pagsang-ayon sa E-Trike dahil sa taas ng arawan na bayaran sa manufacturer at problema sa operasyon dulot ng ilang depekto sa mga piyesa.

Nirereklamo din ng ilang operator na hindi pa umano handa ang Boracay sa E-Trike dahil sa marami pang kailangang ayusin kagaya na lamang ng charging stations at mga piyesa sakaling masira na bawas kita para sa kanilang operasyon.

Ang mga reklamo na ito ay pinakinggan naman ng mga opisyales ng bayan ng Malay at kasalukuyang ipinapaliwanag  sa mga ito ang nais mangyari para sa implementasyon.

Pinupunto din ng LGU-Malay na para sa Boracay ang ginagawang hakbang at mga taga-BLTMPC din umano ang makikinabang sakaling lubusan ng maipatupad ang E-Trike implementation na inaasahan mangyayari sa 2016.

Samantala, Gerweiss at TOJO naman ang kasalukuyang nagsusuplay ng E-Trike sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment