Posted December 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Patuloy na nakatutok sa Bagyong Ruby ang Malay
MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction Management Council.
Kasama ang Malay PNP, Philippine Coastguard, at iba
pa, pinaghahanda na rin ng MDRRMC maging ang mga force multipliers sa isla
upang magiging plantsado ang mga posibleng rescue operations.
Samantala, nagpahayag na rin ng kahandaan simula
kahapon ang ilang eskwelahan sa Boracay para naman sa posibleng evacuation
operations.
Maliban sa pagpupulong bilang paghahanda ng Boracay
Action Group kahapon at ng MDRRMC nitong umaga sa bayan ng Malay, nakatakda
namang bumalik sa Balabag Command Center ang mga ito para pag-usapan ang iba
pang disaster preparedness plan.
Magugunitang nagsagawa rin ng contingency planning workshop
ang Malay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa Boracay
nitong nakaraang buwan ng Oktubre.
Ayon naman sa naunang report ng PAG-ASA, mas mahina
kung ikukumpara sa Bagyong Yolanda ang Bagyong Ruby na may international name
na Hagupit.
Habang ang BRTF ay nakatutok sa mga nangangaroling at nagtitinda ng balot. :D
ReplyDeleteKudos sa BAG sa napaka laking kontribusyon nyo sa isla ng Boracay. More power and God Bless you all!
ReplyDelete