Posted December 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Subali’t sa kaso ng dalawang batang ipinagkatiwala
sa DSWD ngayong umaga, hindi caroling kungdi pagnanakaw umano ang kanilang
pinili.
Base sa impormasyon, nahuli ng may-ari ng isang
tindahan sa Barangay Manoc-manoc ang dalawang lalaking minor de edad na kumuha
ng kanilang pera.
Bagama’t kinumpirma ng Boracay PNP na walang perang
narekober sa mga bata, duda naman ang mga ito na ipinagpasa-pasahan na nila ang
nakuhang pera na humigit-kumulang isang libong piso.
Samantala, nag-aalala naman ang mga kapulisan sa
mga nasabing bata dahil sa isa na naman umano itong grupo na nanloloob sa mga
establisemyento at target ang mga tindahan.
Nabatid na sangkot madalas ang mga minor de edad sa
mga nangyayaring nakawan sa isla.
No comments:
Post a Comment