YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 02, 2014

Eskedyul ng mga aktibidad para sa Boracay Ati-atihan 2015, inilabas na ng MTour

Posted December 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inilabas na ng MTour o Municipal Tourism Office ang eskedyul ng mga aktibidad para sa Boracay Ati-atihan 2015.

Una rito, makikipagpulong muna bukas ang Malay Tourism Office sa Barangay Balabag Council upang pag-usapan ang mga plano at schedule of activities sa nasabing pagdiriwang.

Kasunod naman nito ang Presentation of Ati-atihan to Participating Groups and Sponsors sa darating na December 15.

Bago lubusang mag-ingay ang mga tambol sa high light ng selebrasyon sa ika-11 ng Enero, mag-i-enjoy muna sa ika-9 ng Enero ang mga taga barangay council, parishioners, association, cooperatives, establishments owners and employees night sa Balabag plaza.

Pagkatapos nito, hahataw naman ang mga kabataan para Kabataan’s Night sa January 10. 

Samantala, halos plantsado na rin ang inilabas na schedule of activities para sa mismong araw ng Boracay Ati-atihan.

Nabatid na gaya ng nakagawian, isang fluvial parade ang masasaksihan sa long beach ng Boracay, bandang alas 6:00-7:00 ng umaga.

Susundan ito ng misa sa alas 8:00-9:30 ng umaga sa Balabag Plaza, at street dancing para sa mga deboto ni Sr.Sto.Niño.

Magtatapos naman ang selebrasyon sa isang prosesyon sa alas 6:00 ng gabi at awarding night.

Nabatid na mauunang magdiwang ng Ati-atihan ang Boracay kaysa sa bayan ng Kalibo sa darating na buwan ng Enero.

No comments:

Post a Comment