Posted December 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inihanda na ng Philippine Red Cross (PRC)
Boracay-Malay Chapter ang kanilang buong rescuers para sa bagyong Ruby.
Ayon kay Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter
Administrator Marlo Schoenenberger, magtatalaga umano sila ng volunteers sa
bawat evacuation center sa tatlong Brgy. sa Boracay sa pakikipagtulungan sa Kabalikat
Civicom na siya namang nakatalaga sa paggamit ng radio communication.
Maglalagay din umano sila ng nurse sa mainland
Malay at mga volunteers sa Caticlan Jetty Port dahil sa inaasahang pagkakaroon
ng stranded na pasahero.
Sinabi pa ni Schoenenberger na nakahanda na ang
kanilang mga gagamiting first aid kit at transport health facilities.
Tiniyak naman nito na kung anong paghahanda ang
kanilang ginawa noong manalasa ang super typhoon Yolanda sa isla ay ganon din
ang kanilang gagawin ngayon sakaling maapektuhan ng lakas ng bagyong Ruby ang
Boracay.
Samantala, nakahanda na rin ang mga gagamiting
evacuation center sa isla ng Boracay maging ang mga relief goods sa pangunguna
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
No comments:
Post a Comment