Posted December 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Suspendido na ang mga klase sa iba't ibang paaralan
sa Aklan dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby.
Batay sa ipinadalang kalatas ng Department of
Education (DepEd) Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jesse Gomez.
Ang nasabing kautusan ay base na rin sa ipinadala
ng gobyerno sa ahensya ng DepEd sa iba’t-ibang mga lalawigan sa bansa.
Samantala, batay naman sa pinakahuling ulat ng Philippine
Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 18
lugar ang nasa ilalim ng storm signal number 2 habang nakataas ang signal
number 1 sa 16 lugar.
Nabatid na sa panuntunan ng DepEd, awtomatikong suspensyon
ng pasok sa kindergarten kapag signal no. 1, walang pasok sa kindergarten,
elementary at high school kapag signal no. 2 at lahat naman ng antas kapag nasa
signal no. 3 na ang babala ng bagyo.
No comments:
Post a Comment