Posted December 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinatigan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang sulat ni Kalibo Save The Mangroves Association (KASAMA) Chairman Atty.
Allen Quimpo na ipatupad na ang closure order sa Kalibo dumpsite.
Ito’y dahil sa matindi na umanong polusyon na naidudulot nito lalo na
sa Sooc River na malapit sa open dump site na makikita sa Bakhaw Sur Kalibo.
Unang ipinahayag ni Quimpo sa SP Aklan na nakasaad
sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act ang pagbabawal na
mag-operate pa ang isang dumpsite kapag nakakapekto na sa kalusugan ng
mamamayan.
Nabatid naman na matagal na ring nagpatupad ng closure
order” ang DENR tungkol sa nasabing open dump site.
Natuklasan din dito batay sa sa isinagawang
pagsusuri ng DENR na highly pollutant na ang nasabing dumpsite, kung saan
nakitaan na rin ito ng coliform bacteria.
No comments:
Post a Comment