Posted December 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Todo na rin ang paghahanda ng lokal na pamahalaan
ng Malay sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby.
Kaugnay nito, nagpalabas ng kalatas si Malay Mayor
John Yap para sa iba’t-ibang mga establisyemento sa isla ng Boracay.
Batay sa kalatas na ipinadala ng alkalde, kailangan
agad abisuhan ng mga resort at hotel owner ang kanilang mga guest kapag ideneklara
nang signal number ang Aklan.
Pinayuhan din nito ang pananatiling nakatutok sa
mga travel advisory na ipinapadala ng MDRRMC at Coast Guard para sa ibayong
pag-iingat.
Para maiwasan naman ang pagkakaroon ng stranded sa
mga pantalan, hiniling din ni Yap sa mga resort at hotel owner na bigyan na
lamang muna ng konsiderasyon ang kanilang mga guest na nakatakda nang mag-check out
hanggang sa matapos ang bagyo.
Dahil narin sa inaasahang kanselasyon sa mga flight
ng mga ito dulot ng nasabing bagyo ay humihingi ng pag-unawa ang alkalde sa mga
resort at hotel owner na pagbigyan ang kanyang kahilingan.
Ito’y bahagi na rin umano ng pagtulong sa mga
turista na bumibisita sa isla ng Boracay at para maiwasan ang pagdagsa ng mga
stranded na turista sa pantalan ng Caticlan at Boracay.
kyrie 6
ReplyDeleteyeezy 350 v2
fear of god outlet
bape official
hermes outlet
supreme hoodie
supreme clothing
yeezy gap
hermes bag
jordan 1