Posted December 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kaninang
umaga sa station 2, sinorpresa ng BAG maging ang mga dumadaang turista sa bilis
ng kanilang pagresponde at pagligtas sa isang nabiktima ng pagkalunod.
Hindi rin kasi sukat akalain ng mga dumadaan doon
na isang simulation exercise lamang pala ang nagaganap dahil sa mistulang totoo
ang pagresponde ng BAG sa ilang pasyente kunwari ng pagkalunod.
Sa simula ng hudyat ng isang sigaw, kaagad lumusong
sa tubig ang ilang rescuer upang saklolohan ang isang nalulunod umano sa dagat.
Nagmistulang pelikula naman ang sumunod na eksena
nang magsidatingan din ang mga rescue boat ng BAG habang alistong nakaantabay
sa beach ang mga magbibigay ng first aid.
Samantala, kaagad dumating ang isang ambulansya sa
lugar upang kumpletuhin ang nasabing simulation execercise na natapos sa loob
lamang ng halos 15 minuto.
Nagpalakpakan naman ang mga turistang nanonood
dahil sa ipinamalas na galing ng Boracay Action Group.
No comments:
Post a Comment