Posted December 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masayang ibinahagi ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan
Foundation, Inc. (KASAFI) na nasa 70 porsyento
na ang kanilang paghahanda para sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2015.
Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, handa na rin
sila ngayon para sa iba’t-ibang aktibidad katulad ng “Mutya it Aklan”,
Higante Parade, body painting contest at maging ang pagtatanghal ng ilang sikat
na artista sa bansa.
Samantala, magkakaroon pa umano ng mga pagpupulong
para sa alokasyon ng budget ng mga sasaling tribo sa street dance competition
sa darating na buwan ng Enero.
Tiniyak naman ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan
Foundation Inc. na magiging maganda ang gaganaping 2015 Ati-Atihan Festival.
Ang Sto. Niño Ati-Atihan sa Aklan
ay gaganapin sa January 9 to 18, 2015.
No comments:
Post a Comment