YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 03, 2014

MOA sa pagitan ng mga force multipliers at Boracay PNP, iginiit

Posted December 3, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Use these free images for your websites, art projects, reports, and ...Welcome ang lahat partikular ang mga force multipliers sa isla na tumulong sa Boracay PNP.

Subali’t kailangan lamang ang isang MOA o Memorandum of Agreement kung saan naka-specify o tiyak ang kanilang tungkulin.

Ayon kasi kay Boracay PNP Chief PSInps.Mark Evan Salvo, aminado ito na may mga pagkakataong lumalagpas na sa kanilang limitasyon ang isang force multiplier kung kaya’t kinakilangang magkaroon ang mga ito ng kasunduan o MOA sa Boracay PNP para maging pormal at opisyal ang kanilang organisasyon. 

Kaugnay nito, pinayuhan na rin umano ni Salvo ang mga force multipliers sa isla na magbigay ng draft ng kanilang MOA upang mapag-aralan.

Samantala, aminado naman si Salvo na kailangan talaga sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng kumunidad ang mga nasabing force multipliers kung kaya’t muli niya itong pinasasalamatan.

Ilan lamang sa mga volunteers o force multipliers sa isla ang KABALIKAT CIVICOM, PARDSS o Public Assistance for Rescue, Disaster and Support Service, Army Reservist, at TREU o Tourism Regulatory Enforcement Unit na tumutulong din sa Boracay PNP sa pagmentina ng kapayapaan at kaayusan sa isla.

No comments:

Post a Comment