YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 02, 2014

Mag-asawang naglalakad, nahagip ng motorsiklo

Posted December 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay             

Nagpa-blotter sa presento ng Boracay PNP ang mag-asawang ‘Frezil’ at ‘Loenard’ matapos mahagip ng motorsiklo kagabi sa Barangay Manoc-manoc.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naglalakad lamang pauwi ang dalawa sa gilid ng kalsada nang mabangga ng motorsiklong minamaneho ni ‘Edison’.

Dahil sa insidente, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mag-asawa at ang drayber kung kaya’t minarapat din ng mga itong magpagamot sa ospital.

Ikinostodiya naman ng Boracay PNP ang motorsiklo ng drayber kung saan nabatid na wala itong ipinakitang driver’s license at dokumento ng motorsiklo.

Magkaganon paman, sinagot ng drayber ang gastusing medikal ng mag-asawa.

No comments:

Post a Comment